Ang Pamumuhay sa Tahimik na Lugar


Sa isang malayong lugar makikita ang isang pamamahay na tila animo'y kay ganda , payapa at masagana. Mga hangin na kay sariwa. Mga ibong malayang lumipad at mga taong simple hangarin ang antas sa buhay. Kay ganda! Wala kang isusumbat. Dahil sa simpleng ito , kuntento lahat ng tao. Masaya , kanilang puso'y hinihiyaw. Walang gulo na nagbibigay problema sa kanila. Mga magagandang tanawin na iyong pagbibigyang pansin. Saan ka pa? Sa syudad na kay gulo at maraming sigalot o bahay kubo na malayo sa problemang lipunan? Mag-isip! Bahay kubo para sa matiwasay at masayang hangarin. Ang tubig ilog kay linis malayong malayo sa syudad na iyong ninanais.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento